Kasalo joi barrios biography
Department of South and Southeast Asian ......
Kasalo joi barrios biography
Ang babae ay hindi kaning inihahain
sa mesa ng matrimony
iniluluwa kapag mainit at takot kang
mapaso,
sinasabawan ng kape sa umaga
kapag ikaw ay nagkulang,
at itinatapong tutong sa kanyang pagtanda.Ang babae ay hindi karneng
dinuduro at kinikilo,
ginigisa ang laman sa iyong mga pangako,
nilalaga ang buto sa iyong pagsuyo
at ginagawang chicharon ang balat
upang maging pulutan.Ang babae ay hindi halayang
panghimagas sa iyong kabusugan
inumin sa iyong katandaan
o putaheng nilalaspag tuwing may handaan.May tiyan din siyang kumakalam,
may sikmurang kailangang mapunan
at pusong dapat mahimasmasan.
Kasama mo siyang nagtatanim ng
maisasaing,
katuwan na naghahanda
ng almusal, tanghalian at hapunan,
kaharap at kasalo sa kinabukasan.-Joi Barrios, 2008
This work of Joi Barrios serves as a literary weapon of women against people who do not know their importance.
The author wrote different poems and some really tackle about women empowerment. The poem does not si